Welcome to the comprehensive second-quarter multiple-choice examination reviewer designed to sharpen the skills and knowledge of students across grades 7 to 10. This meticulously crafted resource aims to provide a thorough understanding of the diverse subjects covered during this quarter.
This reviewer encompasses a wide array of subjects and topics that are fundamental to each grade level's curriculum. From the foundational concepts in mathematics to the intricacies of language arts, sciences, and social studies, this resource aims to aid students in reinforcing their understanding and mastering the essential concepts.
Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Quarter 2 Examination Reviewer Part 2 |
Choose the letter of the best answer in each questions.
1. Si Juan ay nagmamadali dahil mahuhuli na siya sa kanyang klase. Sa paghihintay ng masasakyan ay may nakatabi siyang matandang babae. Dumaan ang tricycle na kinakailangan lamang ng isang pasahero. Ngunit hindi inaalintana ni Juan ang matanda at nauna siyang sumakay. Ano ang nakaligtaan ni Juan sa kanyang ginawang desisyon?
A. Ang gamitin ang tunguhin ng kilos-loob na ang tunguhin ay kabutihan.
B. Gusto lamang niyang hindi mahuli sa klase kaya siya nagmamadali.
C. Alam niya na di mabuti ang ginawa ngunit pinili niya itong gawin.
D. Wala siya pakialam dahil sa tingin niya wala siyang pananagutan sa kapwa.
VIEW ANSWER
Option A
2. Biniyayaan ng Diyos ang tao ng isip at kilos-loob, kaya siya ay natatanging nilikha. Ano ang nararapat gawin the tao sa biyayang ito?
A. Tungkulin ng tao na sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos- loob.
B. Tungkulin na gamitin ito sa ano mang paraan
C. Hayaang ang sariling kagustuhan ng tao ang mangingibabaw kahit na ito ay labag sa kabutihan at katotohanan.
D. Wala sa nabanggit
VIEW ANSWER
Option A
3. Bilang isang mag-aaral marami kang matutuklasang kaalaman mula sa iyong pag-aaral at pagsasaliksi, ngunit hindi dito nagtatapos ang iyong pagiging isang tao. Paano mo maipapakita ang wastong paggamit ng katalinuhang ipinagkaloob sa iyo?
A. gamitin ang kaalaman upang ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao, paglilingkod sa kapwa at pakikibahagi o paglilingkod sa pamayanan.
B.gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.
C. inaasahan naipamamalas sa kanyang pagkatao ang mapanagutang paggamit ng kanyang kaalaman.
D. Lahat ng nabanggit
VIEW ANSWER
Option D
4. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
B.Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
D. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan
VIEW ANSWER
Option B
5. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob : ___________
A. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
B. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
C.kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
D. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
VIEW ANSWER
Option B
6. Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niya ang maraming pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang sumasangguni sa maraming mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsiyensiya ang inilalapat ni John Lloyd.
A.Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya
B. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam- agam.
C. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsiyensiya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin
D. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsiyensiya sa pagkilala sa mabuti at masama.
VIEW ANSWER
Option D
7. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsiyensiya?
A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
B. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
C. Makakamit ng tao ang kabanalan
D. Wala sa nabanggit
VIEW ANSWER
Option A
8. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
B. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao
C. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
D. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
VIEW ANSWER
Option D
9. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya ang ginamit ni Melody?
A. Tamang konsiyensiya
B. Purong konsiyensiya
C. Maling konsiyensiya
D. Mabuting konsiyensiya
VIEW ANSWER
Option A
10. Ang likas na Batas-Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na Batas-Moral ang tinutukoy sa pangungusap?
A. Obhektibo
B. Unibersal
C. walang hanggan
D. di nagbabago
VIEW ANSWER
Option A
11. Kailan masasabing mali ang konsensiyang ginagamit sa isang kilos at pasya?
A. kung hinuhusgahan ang tama bilang mali
B. kapag ito ay nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan
C. kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama ang mali
D. A at C
VIEW ANSWER
Option D
12. Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang may kaugnayan sa layon ng tao na hindi nagbabago (Nature of Man)?
A. pangkalahatan
B. walang hanggan
C. obhektibo
D. di nagbabago
VIEW ANSWER
Option D
13. “Kailangan lagi ang isang paghatol sa pagsasagawa ng isang pamantayan o pagtupad sa batas-moral at dito kailangan ang konsiyensiya.” Ano ang ibig sabihin ang pangungusap na ito?
A. kailangan ang personal na pagpapasiya kung saan ginagamit ng tao ang kaniyang konsiyensiya.
B. Ang pagsagawa ng isang kilos ay gawain ng tao na walang pagbabatayan sa maaring resulta.
C. kung ang paghatol ay hindi naaayon sa Likas na batas moral, ang konsiyensiya ay maaari pa ring magkamali.
D. Ang pagsagawa ng kilos ay nakabatay sa likas na batas moral na ginagamitan ng konsensiya para sa kabutihan ng tao.
VIEW ANSWER
Option D
14. Paano mapapangalagaan ng tao ang likas na batas mula sa Diyos na ibinigay sa kanya?
A. kailangan niyang pamahalaan ang kanyang kilos sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kanyang kalayaan at kilos-loob.
B. Ang tao ay may kakayahang kumilala sa mabuti at masama kaya dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama
C. Ang batas-moral na pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagawa siya ng tamang pasya at kilos
D. Lahat ng nabanggit
VIEW ANSWER
Option D
15. Karaniwang sinasabi ang mga katagang: maliit na bagay lang naman, ngayon lang o minsan lang upang pangatwiranan ang maling ginawa. Kung patuloy na babale-walain ng tao ang kaniyang konsiyensiya, darating ang pagkakataon na ito ay magiging manhid sa pagkilala ng tama. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil may pagkakataon na inaakala ng tao na ang maliit na bagay ay hindi nagkakaroon ng malaking epekto sa kanyang pagkatao at ito ang nagaganap sa kaniyang konsiyensiya nang hindi niya namamalayan.
B. Tama, dahil hindi naman nakakepekto sa pagkatao ang mga maliit na maling pagpapasya.
C. Mali, dahil ang maling ginawa ay maging basihan sa iyong pagiging totoong tao.
D. Mali, dahil ang konsensiya ay hindi kailan man maging manhid.
VIEW ANSWER
Option A
16. Kailan masasabing tama ang konsensiyang ginawa sa isang kilos at pasya?
A. Kapag ang mali ay ginawang tama
B. Kapag nakabatay ito sa kagustuhan ng isang tao
C. Kapag hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at ang mali bilang mali
D. Kapag hindi inalintana ang kilos sa likas na batas moral
VIEW ANSWER
Option C
17. Si Sheena ay inutusan ng ina na bumili ng tinapay sa tindahan, inaakala ng ina na tama lang ang perang ibinigay ngunit nang sinuri ni Sheena dalawang piraso ng limangpung piso ang ibinigay nito. Naisip niya na huwag ng isauli sa ina total hindi naman nito namalayan at kailangan niya ng pera pambili ng load. Kung ikaw si Sheena ano ang nararapat mong gawin?
A. Ibili ito ng load total hindi naman alam ng ina
B. Itago ito at isauli kapag hiningi ng ina.
C. Sasabihin sa ina ang totoo dahil ito ang tama
D. Ipangbili muna at saka sasabihin sa ina upang hindi na niya ito mababawi
VIEW ANSWER
Option C
18. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas-Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa lahat. Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang sinasaad sa pangungusap?
A. pangkalahatan
B. walang hanggan
C. obhektibo
D. di nagbabago
VIEW ANSWER
Option A
19. Si Rhea ay nahaharap sa isang sitwasyon na kinakailangan niyang mamili sa nagtutunggaling prinsipyo. Ano ang maaaring pagbabatayan ni Rhea upang magkaroon ng tamang pagpapasya?
A.Tamang konsensiya
B. Maling konsensiya
C. mabuting konsensiya
D. purong konsensiya
VIEW ANSWER
Option A
20. Ano ang kaugnayan ng kosensiya at likas na batas moral?
A. Ang konsensiya ay likas sa tao gayon din ang likas na batas moral
B. Ang konsensiya ay hindi nakadepende sa sinasaad sa likas na batas moral
C. Ibinabatay ng konsiyensiya ang pagsukat o paghusga sa kilos sa obhektibong pamantayan ng Likas na Batas-Moral.
D. Lahat ng nabanggit
VIEW ANSWER
Option C
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق