Welcome to the comprehensive second-quarter multiple-choice examination reviewer designed to sharpen the skills and knowledge of students across grades 7 to 10. This meticulously crafted resource aims to provide a thorough understanding of the diverse subjects covered during this quarter.
This reviewer encompasses a wide array of subjects and topics that are fundamental to each grade level's curriculum. From the foundational concepts in mathematics to the intricacies of language arts, sciences, and social studies, this resource aims to aid students in reinforcing their understanding and mastering the essential concepts.
Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Quarter 2 Examination Reviewer Part 3 |
Choose the letter of the best answer in each questions.
1. Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita nang mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
A. Inilaan ni Anthony ang malaking bahagi ng kanyang buhay upang mapalawak ang kanyang kaalaman at karunungan, alam niyang malaking bagay ang magagawa nito upang maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan at upang maibahagi niya sa lahat ang kanyang mga kakayahan.
B. Nasaktan ni Rebecca ang kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungalin dito. Inihanda niya ang kanyang sarili sa magiging reaksyon ng kanyang mga kapatid sa kanyang ginawa. Dahil dito siya na mismo ang gumawa ng paraan upang itama ang kanyang pagkakamali kahit pa ito ay nangangahulugan na siya ay mapapahiya at masasaktan.
C. Nasaksihan ni Rupert ang ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa kanyang mga magulang. Ang alam ng mga ito, pumapasok siya araw-araw sa paaralan ngunit sa halip nagpupunta ito sa computer shop kasama ang mga barkada. Dahi alam niyang labis na mapagagalitan ang kanyang kapatid hindi sinabi niya ito sa kanyang magulang dahil ayaw niyang ito ay mapagalitan o masaktan.
D. Hindi lingid sa kaalaman ni Rachelle ang katiwalian na nagaganap sa loob ng kanilang kompanya. Saksi siya sa pandaraya na ginagawa ng kanyang matalik na kaibigan sa report ng kinita ng kompanya. Sa kabila nang pakiusap nito na manahimik na lamang siya ay sinabi pa rin niya ito sa kanyang boss na naging dahilan ng pagkatanggal ng kanyang kaibigan sa trabaho at pakakaroon ng kaso sa hukuman.
VIEW ANSWER
Option C
2. Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
A. Nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya
B. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
C. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
D. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito
VIEW ANSWER
Option D
3. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ito ay nangangahulugang:
A. Ang kalayaan ng tao, katulad ng kilos loob ay nakabatay sa dikta ng isip.
B. Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos.
C. Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kanyang pagiging mapanagutan sa paggamit ng kanyang kalayaan
D. Lahat ng nabanggit
VIEW ANSWER
Option B
4. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang _________________.
A. Isip
B. dignidad
C. Kilos-loob
D. Konsensya
VIEW ANSWER
Option C
5. Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Nangyari ito dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan pang mga kasama na itinuturing na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, nawala ang kanyang _________________.
A. Karapatang pantao
B. Dignidad bilang ta
C. Panloob na kalayaan
D. Panlabas na kalayaan
VIEW ANSWER
Option D
6. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino, nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan.
A. kalayaang gumusto
B. Panloob na Kalayaan
C. kalayaang tumukoy
D. panlabas na Kalayaan.
VIEW ANSWER
Option C
7. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawain na ninais ng kilos-loob.
A. kabutihang pansarili
B. kabutihang panlahat
C. Likas na Batas Moral
D. Panlabas na Kalayaan
VIEW ANSWER
Option D
8. Ang limitasyong ito ay itinakda ng __________________________
A. Likas na Batas Moral
B.Sr. Felicidad C. Lipio
C. Santo Tomas de Aquino
D. Panlabas na Kalayaan
VIEW ANSWER
Option B
9. Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas Moral.
A. Tama
B. Mali
C. Wala sa nabanggit
VIEW ANSWER
Option C
10. Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang ________________.
A. Pagkakamali
B. Mabuti
C. Kalayaan
D. Pagkatao
VIEW ANSWER
Option D
11. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
A. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
B. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang mga tao.
C. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
D. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at ispiritwal.
VIEW ANSWER
Option D
12. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
C. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
D. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
VIEW ANSWER
Option C
13. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
C. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
D. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
VIEW ANSWER
Option D
14. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
A. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
B. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
C. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
D. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.
VIEW ANSWER
Option C
15. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
A. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na
B. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong
C. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan
D. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
VIEW ANSWER
Option A
16. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa lipunan.
B. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
C. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
D. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataasang katungkulan sa pamahalaaan.
VIEW ANSWER
Option B
17. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
A. Kapag siya ay naging masamang tao
B. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
C. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
D. Wala sa nabanggit
VIEW ANSWER
Option D
18. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
A. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa.
C. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan.
D. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan bilang tao.
VIEW ANSWER
Option B
19. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?
A.Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
B. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
D.Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao.
VIEW ANSWER
Option D
20. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
A. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
B. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya.
C. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.
D. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw.
VIEW ANSWER
Option C
No comments:
Post a Comment