Welcome to the comprehensive second-quarter multiple-choice examination reviewer designed to sharpen the skills and knowledge of students across grades 7 to 10. This meticulously crafted resource aims to provide a thorough understanding of the diverse subjects covered during this quarter.
This reviewer encompasses a wide array of subjects and topics that are fundamental to each grade level's curriculum. From the foundational concepts in mathematics to the intricacies of language arts, sciences, and social studies, this resource aims to aid students in reinforcing their understanding and mastering the essential concepts.
Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Quarter 2 Examination Reviewer Part 1 |
Choose the letter of the best answer in each questions.
1. Bakit sinasabing kawangis ng Diyos ang tao?
A. dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya nang malaya
B. dahil kamukha niya ito
C. dahil ang tao ang nangangalaga sa lahat
D. dahil kinakain niya ang halaman at hayop
VIEW ANSWER
Option A
2. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon ng tao at hinuhubog ang kanyang personalidad. Anong sangkap ito ng tao?
A. Isip
B. Puso
C. kamay at katawan
D. ulo at paa
VIEW ANSWER
Option B
3. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
A. gumawa
B. magpasya
C. mag-isip
D. umunawa
VIEW ANSWER
Option D
4. Sinasabing ang tao ay natatanging nilalang. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba ng tao sa hayop at halaman?
A. Ang tao ay kumakain ang hayop ay hindi.
B. Ang tao ay may tirahan samantalang ang hayop at halaman ay wala
C.Ang tao ay may isip na marunong umunawa, puso na nagpapakita ng emosyon at kamay at katawan na naglalapat ng ninanais gawin.
D. Ang tao ay nabubuhay ng mas matagal kaysa halaman at hayop.
VIEW ANSWER
Option C
5. Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan; hindi nito kailanman magugustuhan ang mismong masama. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.
B. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
C. Ang kilos-loob ay maaring pumili ng kasamaan.
D. Ang kilos-loob ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili
VIEW ANSWER
Option D
6. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay
A. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
B. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
C. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga
D. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin
VIEW ANSWER
Option B
7. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw ang nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataong ito?
A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa na akuin ang pagkakamali.
C. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.
D. Lahat ng nabanggit
VIEW ANSWER
Option C
8. Ang sumususunod ay katangian ng isip maliban sa:
A. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
B. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran
C. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
D. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.
VIEW ANSWER
Option C
9. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
A. mag-isip
B. umunawa
C. magpasya
D. magtimbang ng esensiya ng mga baga
VIEW ANSWER
Option B
10. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob: ___________
A. kapangyarihang magnilay, sumangguni, magpasya at kumilos
B. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
C. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
D. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
VIEW ANSWER
Option B
11. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
B. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.
C. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay, maging malusog at makaramdam.
D. Tama, dahil katulad ng tao ay may pangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.
VIEW ANSWER
Option C
12. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang ________________.
A. kabutihan
B. kaalaman
C. katotohanan
D. karunungan
VIEW ANSWER
Option A
13. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
D. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan
VIEW ANSWER
Option B
14. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
B. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
C. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin
D. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip
VIEW ANSWER
Option D
15. Ang tao ay may tungkuling _________________________, ang isip at kilos-loob.
A. Sanayin, paunlarin at gawing ganap
B. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap
C. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
D. Wala sa nabanggit
VIEW ANSWER
Option A
16. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?
A. Ang kilos loob ay walang kakayahang gawin ang nanaisin.
B. aiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan
C. Ang isip ang ang siya nagbibigay impormasyon sa kilos-loob.
D. Wala sa nabanggit
VIEW ANSWER
Option B
17. Ito ay maahalagang bahagi ng pagkatao, dahil ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa kongkretong paraan.
A. Katawan
B. Isip
C.kamay
D. paa
VIEW ANSWER
Option A
18. Anong bahagi ng ating pagkatao ang humohubog ng personalidad nito, lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito natatago?
A. Isip
B. Puso
C. kamay
D. katawan
VIEW ANSWER
Option B
19. Bakit ang isip ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran (reason), intelektuwal na kamalayan (intellectual consciousness), konsensiya (conscience) at intelektuwal na memorya (intellectual memory)?
A. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
B. Ang isip ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
C. Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon at hindi ito kasing-perpekto
D. Lahat ng nabanggit
VIEW ANSWER
Option D
20. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr. may tatlong mahahalagang sangkap ang tao, ano ang mga sangkap na ito?
A. Kamay, paa at katawan
B. Mata, puso at isip
C. isip, puso kamay at katawan
D. isip, ulo at puso
VIEW ANSWER
Option C
No comments:
Post a Comment