NAT 6 | ARALING PANLIPUNAN INTERACTIVE REVIEWER SET 3

 Sa kasanayang  ito iyong pag-aaralan ang dalawa sa mga kilusang itinatag ng mga Pilipino upang makamit ang hinihiling na pagbabago sa lipunan na pinamamahalaan ng mga Español.

1. matutukoy ang mga pangyayaring nagpa-siklab sa damdaming mapanghihimagsik ng mga Pilipino;

2. matutukoy ang mga makasaysayang lugar at kaganapan tulad ng Sigaw sa Pugad Lawin, Kumbensiyon sa Tejeros, at Kasunduan sa Biak-na-Bato;

3. maipaliliwanag ang mga pangyayari sa pagsisimula ng himagsikan laban sa kolonyalismong Español;

4. masusuri ang timeline ng himagsikang 1896;

5. maisasalaysay ang naging makasaysayang kaganapan sa Tejeros Kumbensiyon;

6. maipaliliwanag ang kadahilanan ng pag-aalsa ng mga katipunero;

7. mahihinuha ang implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa sa himagsikan; at

8. mabibigyang kahulugan ang itinadhana ng Kasunduan sa Biak-na-Bato.

Practice Exam Test Questions

Choose the letter of the best answer in each questions.

Ilan ang probisyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato ang ipinatupad ni Heneral Emilio Aguinaldo?

A. 2

B. 3

C. 4

D. 5

VIEW ANSWER

Option B

Explanation

Mayroong tatlong probisyon sa Kasunduan sa Biak-na-Bato na ipinatupad ni Heneral Emilio Aguinaldo.


Kailan nilagdaan ni Pedro Paterno at Gobernador-Heneral Primo de Rivera ang kasunduan?

A. Disyembre 11-12, 1897

B. Disyembre 14-15, 1897

C. Disyembre 17-18, 1897

D. Disyembre 19-20, 1897

VIEW ANSWER

Option B

Explanation

Disyembre 14-15, 1897 ang araw kung kailan nilagdaan ni Pedro Paterno at Gobernador-Heneral Primo de Rivera ang Kasunduan sa Biak-na-Bato.


Ang sumulat ng Saligang Batas na ipinagtibay noong Nobyembre 1, 1897 ____

A. Isabelo Artache

B. Pedro Paterno

C. Fernando Primo de Rivera

D. Emilio Aguinaldo

VIEW ANSWER

Option A

Explanation


Matapos mapagtibay at maipahayag ang Saligang Batas, itinatag ang ____.

A. Pamahalaang Komonwelt

B. Pamahalaang Rebolusyonaryo

C. Republika ng Biak-na-Bato

D. Misyong Pangkalayaan

VIEW ANSWER

Option C

Explanation

Matapos mapagtibay at maipahayag ang Saligang Batas, itinatag ang Republika ng Biak-na-Bato.


Saan nagtungo si Aguinaldo at ilang pinuno ng kilusan pagkatapos mapairal ang kasunduan na pansamantalang nagdulot ng kapayapaan?

A. Tsina

B. Hong Kong

C. Estados Unidos

D. Hapon

VIEW ANSWER

Option B

Explanation

Pagkatapos mapairal ang kasunduan na pansamantalang nagdulot ng kapayapaan, nagtungo si Aguinaldo kasama ang ilang pinuno ng kilusan sa Hong Kong.


Magkano ang halaga na pinangako ng Espanya na ibigay sa Pilipinas upang mahinto ang labanan?

A. Php1,500,000

B. Php1,600.000

C. Php1,700,000

D. Php1,800,000

VIEW ANSWER

Option C

Explanation

Ang halagang pinangako ng Espanya na ibigay sa Pilipinas upang mahinto ang labanan ay Php1,700,000.


Sino ang namagitan upang huminto ang labanan?

A. Emilio Aguinaldo

B. Pedro Paterno

C. Daniel Tirona

D. Andres Bonifacio

VIEW ANSWER

Option B

Explanation

Si Pedro Paterno ang namagitan upang huminto ang labanan sa pamamagitan ng kasunduan na kilala bilang Pact of Biak-na-Bato.


8. Magkano lamang ang ibinayad ng Espanya sa mga Pilipino na naging dahilan ng hindi pagsunod ng mga Pilipino sa Kasunduan?

A. Php 200.000

B. Php 400,000

C. Php 600,000

D. Php 800,000

VIEW ANSWER

Option C

Explanation

Ang ibinayad ng Espanya na nagkakahalaga ng Php 600,000 ang naging dahilan kung bakit hindi sumunod ang ilang mga Pilipino sa Kasunduan ng Biak-na-Bato.


Ano ang ginawa ng mga Pilipino sa hindi pagtupad sa kasunduan sa Espanya?

A. Nagpakumbaba na lamang

B. Hindi pagbalik ng mga armas sa Espanya

C. Hindi pagbayad ng Php1,700,000

D. Hindi pagbayad ng Php1,500,000

VIEW ANSWER

Option B

Explanation

Ang hindi pagtupad ng Espanya sa ilang bahagi ng kasunduan ang naging dahilan kung bakit hindi rin nagtupad ang mga Pilipino sa pagbalik ng kanilang mga armas sa Espanya.


Kailan ipinagtibay ang Saligang Batas?

A. Nobyembre 1, 1897

B. Nobyembre 2, 1897

C. Nobyembre 3, 1897

D. Nobyembre 4, 1897

VIEW ANSWER

Option A

Explanation

Ang Saligang Batas ay ipinagtibay noong Nobyembre 1, 1897.


ليست هناك تعليقات:

إرسال تعليق